-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas sa exhibition game nila ng South Korea 96-92.

Ito ang unang exhibition game na ginanap sa South Korea sa pamumuno ng kanilang bagong head coach na si Nenad Vucinic.

Hawak ng Gilas ang kalamangan sa first half 43-34 subalit umarangkada ang South Korea at nakuha ang kalamangan 71-63 sa pagtatapos ng third quarter.

Nasayang naman ang nagawang 22 points sni Kiefer Ravena habang mayroogn 16 points si Dwight Ramos at 11 points naman ang naitala ni Carl Tamayo.

Susubukan ng Gilas na makabawi sa ikalawang friendly games nila ng South Korea sa Hunyo 18.