-- Advertisements --
Handang makipagsabayan ang Gilas Pilipinas sa paghaharap nila ng host country na Cambodia sa finals ng mens’ baskeball sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games.
Ayon kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na matapos ang panalo nila nitong Lunes ng gabi sa defending champion na Indonesia ay hindi agad sila magpapahinga para paghandaan ang host country.
Nais nilang gumanti sa Cambodia matapos ang pagkatalo nila noong nakaraang Huwebes sa score ng 79-68.
Aminado si Reyes na naging malaking hamon sa kanila ang kawalan ng pahinga at bukod pa sa paggamit ng Cambodia ng mga naturalized players.
Magaganap ang finals ng mens’ basketball mamayang ala-6 ng gabi.