Todo paliwanag ngayon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kanilang pasya na huwag nang ikonsidera ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa Jones Cup.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, tatama raw kasi ang petsa ng Jones Cup, na idaraos mula Hulyo 12 hanggang 21, sa kalendaryo ng PBA.

Kaya naman, sinabi ni Panlilio na pinag-iisipan na nila kung magho-host na lamang sila ng mga mini-tournaments o serye ng mga friendlies para sa national team.

“Of course, we don’t know which team. What we can do is go to the draw on [March 16] and then teams that aren’t in our bracket, maybe even Korea, we can organize something with Korea or some other team,” wika ni Panlilio.

Una nang sinabi ni Gilas head coach Yeng Guiao na interesado raw itong isabak ang Nationals sa Jones Cup bilang paghahanda para sa 2019 FIBA World Cup.