-- Advertisements --

Aminado si Nenad Vucinic na mayroong matinding pressure ang kaniyang nararanasan ngayon matapos na italagang bagong Gilas Pilipinas head coach.

Sinabi nito na nangungunang paboritong sports ng mga Filipino ang larong basketball kaya doble ang pressure niya.

Ituturing na lamang niya ang nasabing pressure bilang isang hamon lalo na ang nalalapit na pag-host ng bansa sa FIBA World Cup.

Magugunitang napiling coach si Vucinic ng Gilas sa pagharap nila sa New Zealand sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pangungunahan nina Kiefer Ravena, Dwight Ramos at Rhenz Abando ang 11-man delegation ng national basketball team ng bansa.