-- Advertisements --

Naghahanda ang Gilas Pilipinas sa posibilidad na magkaroon ng tune-up game laban sa China.

Kasunod ito sa pag-sweep ng Gilas sa FIBA Asia Cup qualifiers.

Sinabi ni Gilas coach Tab Baldwin na maaaring maganap ang practice game bago ang pagtungo ng China sa Canada para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Dagdag pa nito na sasamantalahin nila ang pagkakataon habang nandito pa ang mga Chinese basketball players.

Bagamat wala pang detalye pero sinabi nitong malaki ang maitutulong ng tune-up games sa Gilas para sa preparasyon sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade sa huling linggo ng Hunyo.

Magugunitang nakakuha ng tatlong panalo ang Gilas sa katatapos FIBA Asia Cup Qualifiers na dalawa laban sa South Korea at isa naman sa Indonesia.