-- Advertisements --

Nakatakdang tumestigo sa Sandiganbayan para sa kaniyang pagdepensa kasong kinakaharap si Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes ang dating chief of staff ni dating Senator at ngayon Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Christian Diaz na dadalo si Reyes sa Third Division ng Sandiganbayan sa darating na Nobyembre 14 ng alas-2 ng hapon.

Magiging testigo ito bilang ikalawang defense witness.

Una ng itinakda nitong Martes ang pagdinig subalit hindi humarap ang isa nilang testigo na si Senate Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) head Eireen Palanca.

Dahil dito ay pinayagan ni Sandiganbayan Associate Justice Ronald Moreno na iurong ang pagdinig sa susunod na linggo.

Haharap si Reyes sa mga prosecutors para sa cross-examination sa plunder case nito.

Magugunitang nahaharap sa kaso sina Reyes, Enrile at pork barrel queen Janet Lim Napoles dahil sa pagkamal ng P172.83 milyon na kickbacks mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating senador Enrile.