Pumirma na ng kanyang contract extension si 2-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo sa ilalim ng Milwaukee Bucks.
Ang naturang kontrata ay nagkakahalaga ng $186 million at may bisa na tatlong taon. Nakalagay sa kontrata nito ang dalawang taon na paglalaro sa ilalim ng Bucks habang ang ikatlong taon(2027-28 season) ay mayroon siyang player option.
Maalalang unang na-draft si Giannis sa ilalim ng Bucks noong 2013 NBA Draft bilang 15th overall pick.
Mula noon ay nagawa ni Giannis na makapasok ng pitong beses bilang All-Star, at tuluyang magkampeon noong 2021.
Sa nakalipas na season, kumamada siya ng average na 31.1points, 11.8 rebounds, at 5.7 assists sa loob ng 63 games.
Siya ay mieymbro ng NBA 75th Anniversary team.
Samantala, maaalalang unang kinuha ng Milwaukee si dating Portland Trailblazer superstar Damian Lilliard nitong nakalipas na offseason at inaasahang makakatulong siya sa Bucks, matapos ang nakakadismaya nitong pagkalaglag sa nakalipas 2023 playoffs.