Nais ng bansang Germany na magkaroon ng defense security agreement sa Pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ni German Federal Defense Minister Boris Pistorious ng mag courtesy call ito kaninang umaga kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa pulong nina Pistorious at Pang. Marcos nais ng German defense chief na bago magtapos ang taon malagdaan na ang nasabing kasunduan.
Inihayag pa ni Pistorious na nagpadala na sina ng draft hinggil sa nasabing defense security pact.
Binigyang-diin din ng top German official na suportado nila ang Pilipinas sa pagpapatupad sa rules-based international order partikular sa bahagi ng West Philippine Sea.
Dagdag pa ng German defense chief mahalaga na magkaroon ng peace and stability sa rehiyon na siyang maging daan upang lumago ang economic activities.