-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Germany ang kanilang mga emergency measures kabilang ang pagpapataas ng paggamit ng coal.

Ang nasabing paraan ay para hindi sila magkulang sa enerhiya sakaling putulin ng Russia ang kanilang gas suplay.

Ayon sa economy ministry ng bansa na kanilang papalawigin at papaigtingin ang paggamit nila ng Coal-fired power plants.

Isa ito sa naisip ng Germany na hakbang matapos na i-pressure ng Russia ang mga western countries na tumutulong sa Ukraine.