-- Advertisements --
Itinanggi ng Germany na magpapadala ito ng mga fighter jets sa Ukraine.
Sinabi ni German Chancellor Olaf Scholz na hindi siya sang-ayon sa pag-aarmas para sa giyera.
Ang nasabing pahayag ay ilang araw matapos na pumayag na ang Germany na magbigay ng mga tangke na pandigma sa Ukraine.
Una ng sinabi rin ng US na kanilang pag-aaralang mabuti ang pagbibigay ng fighter jets sa Ukraine.
Magugunitang bukod sa tangke ay humirit rin ang Ukraine ng mga fighter jets para tuluyang mapalayas ang Russia.