-- Advertisements --

Ililikas na ng Germany ang kanilang mga kababayan na naiipit sa kaguluhan sa Israel.

Ayon sa Foreign Office ng Germany na magsisimula ang paglikas mula Huwebes at Biyernes.

Isasakay ang mga ito sa Lufthanasa na siyang mag-ooperate sa ilang special flights mula Israel.

Ang mga mamamayan nila na nakarehistro sa crisis prevention list “ELEFAND” ay mabibigyan ng impormasyon kung paano sila makapagbook ng tickets para sa special flights.

Hindi naman malinaw kung ilan ang bilang ng mga Germans ang nananatili sa Israel.