-- Advertisements --
Naturukan na ng unang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine si German President Frank-Walter Steinmeier.
Isinagawa nito ang pagpapaturok ng bakuna dalawang araw matapos na inirekomonda ng mga otoridad na ang bakuna ay para lamang sa mga tao na may edad 60 pataas.
Ayon sa 65-anyos na pangul na tiwala ito sa nasabing bakuna na otorisado ng Germany.
Dagdag pa nito na sinamantala lamang niya ang pagkakataon ng mabigyan ng tsansa na magpaturok ng bakuna.
Nais naman ni German Chancellor Angela Merkel na magpapaturok lamang siya kapag siya na ang nakalinya.