-- Advertisements --
Nagbabala ang hepe ng defence department ng Germany na dapat ay huwag maliitin ang kakayahan ng Russia.
Sinabi ni General Eberhard Zorn ang hepe ng defense department ng Germany na kahit na nakatutok ang Russia sa Ukraine ay may mga puwersa pa rin sila na maaaring magdulot ng panibaogng world war.
Kahit aniya na tila bumagal ang kanilang ginagawang paggalaw ay mananatili pa rin aniya sila ng banta.
Magugunitang patuloy ang ginagawang pagbawi ng UKraine sa mga lugar na unang sinakop ng mga Russia mula pa noong Pebrero.