-- Advertisements --
image 213

Nagpahayag ng suporta ang isang grupo ng mga German bishops hinggil sa pagbibigay ng blessing ceremonies sa mga homosexual couples o gay couples.

Ito ay matapos na pumabor sa proposal ng pagsasagawa ng blessing ceremonies ang nasa 38 bishops sa Frankfurt at Synodal Path, isang high-level conference na inorganisa ng Catholic Church sa Germany.

Sa datos, siyam na bishop ang hindi sang-ayon sa naturang proposal habang nasa 12 ang nag-abstain.

Ang naturang resulta ng nasabing proposal ay malugod namang tinanggap ni German Bishops’ Conference head, na si Georg Baetzing.

Kung maalala, taong 2021 ay nagpasa ng desisyon ang makapagyarihang opisina ng Vatican na Congregation for the Doctrine of the Faith na nag-uutos na hindi maaaring bigyan ng blessing ng simbahan ang mga same-sex unions sa kabila ng mga positive elements nito.

Ngunit noong taong 2021 at 2022 din ay nakikiisa naman ang mga German churches sa isinagawang nationwide days of action kung saan sabay sabay na isinagawa ang pagbibigay ng blessing para sa mga homosexual couples.