LEGAZPI CITY – Mapapahaba pa ang panahon ng Bicolanong si Mark Avila na hawak ang titulong Gentleman of the World 2019.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Avila, sinuspinde ang lahat ng akitibidad na may kinalaman sa pageant dahil pa rin sa banta ng Coronavirus Disease pandemic.

Ayon kay Avila, pinag-uusapan pa ng organizers kung kailan muling isasagawa ang Gentleman of the World pageant 2020.

Kung maaalala, nakuha ni Avila ang titulo ng nasabing international pageant noong October 2019 na isinagawa sa Manado, Indonesia.