-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nabulabog ang mga residente ng biglang may nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos sinailalim na ang lungsod sa general community quarantine (GCQ).
Itoy matapos kumpirmahin ng Department of Health (DoH) Region 12 na positibo sa virus ang naka-admit ngayon sa pagamutan.
Ang pang 28 na kaso ng covid sa Region 12 ay isang lalaki na may edad 22 na taga General Santos at may travel history mula sa Cebu.
Dumating umano ito sa lungsod noong Mayo 31 habang nasa stable na condition habang binabantayan ng mga medical personnel.
Ikinabahala naman ng mga residente nag isyu dahil posible umanong ibalik ang curfew, lockdown, number coding at clustering.