Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo ang pagsasalansan sa mga natanggap na hinaing ng anti-corruption task force ng ahensya.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kasalukuyan nang inaaral at ini-evaluate ng task force secretariat ang lahat ng natanggap nilang hinaing ukol sa mga ahensya ng gobyerno na umano’y sangkot sa korapsyon.
Magpapatawag din si Guevara ng pagpupulong sa susunod na linggo upang tukuyin kung ano sa mga hinaing na ito ang magiging subject ng special investigating teams.
Nakatakda ring sa susunod na linggo ay ilalabas ng DOJ-led task force ang general update hinggil sa mga nasabing hinaing.
Una nang sinabi ni Guevarra na nakatanggap siya ng instruction na habulin ang mga public officials na mapapatunayang sangkot sa iligal na gawain.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang nagsabi na kung may isang myembro ng Kongreso ang dawit sa anomalya ay kailangan muna itong i-endorso sa Office of the Ombudsman.
Paliwanag pa ni Guevarra na walang sinoman ang exempted sa criminal investigation at presecution, maliban na lamang sa mga indibidwal na may immunity sa anomang kaso noong panahon ng kanilang panunungkulan.










