Inaasahang madadagdagan ng 0.44 percentage point ang gross domestic product (GDP) ng bansa mula sa Rice Tariffication Law.
Batay sa policy simulations na isinagawa ng NEDA at ng International Food Policy Research Institute (IFPRI), natukoy na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ang Rice Tariffication Law dahil sa positive impacts nito sa GDP.
Ayon sa NEDA, sa ilalim ng 35 percent tariff rate, madadagdagan ng 0.44 percentage points ang GDP ng Pilipinas.
Lalawak dito ang agriculture sector dahil magkakaroon ng crop diversification.
Sinabi ni NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillo, ang bagong batas na ito ay magpapaluwag sa flof of funds papuntang provate sector.
Bago raw kasing nakapasa ang rice tariffication law, ang gobyerno ang nagmo-monopolize sa rice trade.