-- Advertisements --
Dr. John Wong
IMAGE | Dr. John Wong/Screengrab, DOH

MANILA – Pinatitiyak ng isang epidemiologist sa pamahalaan na “GCQ ready” o talagang handa na sa general community quarantine ang National Capital Region at ilang lalawigan, bago luwagan ang kanilang quarantine classification sa Mayo.

Ayon kay Dr. John Wong ng Epimetrics, hindi na lang “reproduction number” ang dapat na pinagba-basehan ng gobyerno sa pagde-desisyon kung babawiin o mae-extend ang quarantine status ng isang lugar.

“R (reproduction number) is backward looking indicator. It looks at the cases that we had over the past two weeks. It tells us how well we’ve done under MECQ, pero… it doesn’t tell us how well we will do under in the future under GCQ,” ani Dr. Wong, na miyembro rin ng IATF-Technical Working Group on Data Analytics.

Ang reproduction number ay ang tinatayang bilang nang nahahawaaan ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sa huling report ng independent group na OCTA Research, nasa 0.93 na lang ang R ng Metro Manila.

Paliwanag ni Dr. Wong, masasabi lang na handa na para sa GCQ ang isang lugar kung naabot na nito ang tatlong “indicator” o batayan.

Kabilang na rito ang pagtitiyak na napapatupad ng wasto ng mga lokal na pamahalaan at mga establisyemento ang health protocols; mabilis ang testing, isolation, at quarantine ng mga confirmed cases; at may maayos na contact tracing.

Gayundin kung aabot na sa 350,000 na bakuna ng COVID-19 ang naituturok kada araw.

“We need to look at where we are now. We need LGUs to report on how well they are doing in each of these indicators and if they’re not, we’ll look into why they’re not doing well, and figure out how to improve.”

“The key is execution. To be able to execute better, we need to know well they are doing now.”

Naniniwala si Dr. Wong na dapat bilisan ng estado ang pagbabakuna para mas marami pang magbibigyan ng proteksyon sa coronavirus.

“The later we able to hit the target or higher the bigger the target will become or we’ll failed to achieve.”

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi imposibleng maabot ng bansa ang 350,000 doses na kada araw sa vaccine rollout dahil may mga dadating pang supply ng bakuna.

Ngayong gabi magpupulong ang Metro Manila Council para magbigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force ng magiging quarantine classification ng NCR Plus.