-- Advertisements --

Naniniwala si Gazini Ganados na puwede pa ring ipagdiwang ang pagtatapos niya sa Top 20 ng 68th Miss Universe coronation sa Atlanta, Georgia, kahapon.

Ayon sa 23-year-old half Palestinian beauty na ipinanganak sa Zamboanga, mahirap ang makaabot sa Top 20 lalo’t 90 kandidata ang nagpatagisan ng galing at talento mula pa lamang sa pre pageant hanggang sa preliminary competition.

Ginawa raw niya ang kanyang “best” sa harap ng international audience at hangad na maipagmalaki pa rin siya ng mga kababayang Pinoy.

“I was very proud, kasi nakapasok tayo sa top 20. I just did all my best. I couldn’t have had it any other way. I couldn’t do anything anymore because what’s done is done. The only thing to do now is to celebrate. We got into the top 20. That’s a hard thing to do, over 90 gorgeous, unique girls out there,” ani Ganados sa ABS-CBN.

“To all the Filipinos out there, maraming, maraming salamat po, and I hope that I made you proud as I did my best in the international arena. It was nerve-wracking but it was fulfilling at the same time,” dagdag nito.

Nabatid na ang Top 20 finish ni Ganados na lumaki sa Cebu, ang pumutol sa 9-year streak ng Pilipinas na consistent bilang Top 10 candidate.

Nagsimula ito noong 2010 sa pamamagitan ni Venus Raj kung saan nag-trending pa ang bahagi ng kanyang “major major” statement sa question and answer portion.

Samantala, inilarawan nito ang bagong Miss Universe na si Zozibini Tunzi ng South Africa bilang mabuti at mapagkumbaba.

Kuwento ni Gazini, naging bonding moment nila ni Tunzi ang girl session kung saan nagpapa-make up ito sa kanya at nagpapaayos ng pilik-mata.

Sa panig ng 26-year-old South African model, handa na itong ipagpatuloy ang Miss Universe duties matapos pagpasahan ng korona ni Catriona Magnayon Gray.

Tunzi Miss U