-- Advertisements --
CEBU CITY – Nanatiling Miss Universe pa rin ang tingin ng mga taga-Talisay, Cebu kay Gazini Christiana Jordi Ganados kahit bigo itong masungkit ang korona sa kakatapos lamang na prestiheyosong pageant.
Ayon kay Mayor Gerard Anthony “Samsam” Gullas, ubod ang kanilang pasasalamat kay Gazini dahil sa karangalan na ibinigay nito sa kanilang lungsod.
Sinabi ni Gullas na hindi madali ang pinag-daanan at preparasyon ni Gazini para sa naturang pageant.
Ginawa na rin umano nito ang lahat kaya suportado nila si Gazini mula pa sa simula ng Miss Universe Journey nito.
Nais rin ng alkalde na makausap ang Bb. Pilipinas Universe nang personal itong mapasalamatan sa ibinigay nitong karangalan sa kanilang lungsod.