Inilagay na ng gobyerno ng PH sa Alert Level 3 ang Gaza sa Israel sa gitna ng nagpapatuloy na giyera ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega said Thursday.
Sa ilalim ng Alert Level 3, boluntaryo ang repatriation. Sa Gaza ay mayroong 137 Pilipino.
Habang itinaas naman sa Alert Level 2 ang Israel kung saan sa kabuuan ay mayroong 30,000 Filipino manggagawa na karamihan sa kanila ay caregivers,
Sa ilalim naman ng Alert level 2, ayon sa DFA ay ipinagbabawal ang non-essential movements,dapat na iwasan ang mga lugar na may nagpoprotesta at maghanda para sa posibleng paglikas.
Nauna nang iniulat ng DFA na dalawang Pilipino ang napatay kasunod ng pag-atake ng Hamas sa Israel.
Ang mga nasawi ay isang 33-anyos na nurse mula sa Pangasinan na nagtrabaho sa Israel sa loob ng anim na taon, at isang caregiver na 42-anyos na lalaki mula Pampanga.
Samantala, ayon sa Philippine Embassy sa Israel ang ikatlong Pilipinong nasawi ay kinukumpirma pa ng mga awtoridad sa pamamagitan ng DNA testing.