Binuksan ang gates ng Angat at Ipo dam nitong hapon para magpakawala ng tubig, na pinangangambahang makaapekto naman sa mga kalapit na bayan.
Kaninang ala-1:00 ng hapon, sinabi ng Hydrometeorology Division ng Pagasa na tatlong gates ng Angat Dam ang binuksan sa taas na dalawang metro.
Ang lebel ng tubig sa naturang dam ay nasa 216.13 meters, lagpas na sa normal high water level nito na 212 meters.
Samantala, apat na gates naman ng Ipo Dam ang binuksan sa taas na dalawang metro.
Kaninang alas-12:00 ng tanghali, ang water level sa Ipo Dam ay nasa 100.38 meters, lagpas sa normal high water level nito na 101 meters.
Ayon sa Pagasa, uulanin pa rin ang lugar sa susunod na 24 na oras.
Dahil dito, sinabi ng state weather bureau na ilang lugar ang maapektuhan tulad na lamang ng munisipalidad ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Pulilan, at Plaridel sa Bulacan.
Kaya pinag-iingat na nila ang mga residente pati na rin ang local disaster risk reduction and management councils sa mga lugar na posibleng maapektuhan nang pagpapakawala ng tubig sa dalawang dams