-- Advertisements --

Target ng gobyerno na mapababa ang tinatawag na out of pocket share ng publiko sa health spending sa 30% mula sa kasalukuyang 44% sa loob ng limang taon o hanggang sa taong 2027 ayon sa isang mambabatas.

Subalit tila kumambiyo naman si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na siyang budget sponsor ng Department of Health (DOH)na maaaring hindi makapagbigay ng libreng healthcare services para sa lahat ng mga Pilipino sa hinaharap.

Sa kabila nito layunin aniya na makapagbigay ng libreng healthcare para sa mga nangangailangan.

Ito ang naging tugon ni Quimbo ng matanong ni ACT Teachers Party List Rep. France Castro kung gaano kalayo o kalapit ang free health services para sa mamamayan.

Ayon pa kay Quimbo na tanging 14% lamang ang sagot ng Philippine Health Insurace Corporation mula sa kabuuang health spending.

Sinabi naman ni Frasco na hindi aniya imposible na magkaroon ang bansa ng free healthcare services kung pagtutuunan ang health services para sa mamamayan.

Kaugnay nito, ipinanukala ni Castro na bigyan ng pondo ng gobyerno para sa health expense subsidies direkta sa public hospitals sa halip na ireimburse sa ospital ang kanilang expenses mula sa Philhealth Subalit tinutulan naman ito ni Quimbo.

Paliwanag ni Quimbo na mas episyente aniya ang insurance scheme kumpara sa direct subsidy.