-- Advertisements --

Halos P1 billion na ang nagagastos ng pamahalaan sa ayudang ibinibigay ng Overses Workers Welfare Affairs (OWWA) sa mga displaced overseas Filipino workers (OFWs) bunsod ng COVID-19 crisis.

Sa virtual hearing ng House committee on overseas workers affairs, sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na higit P738 million na ang kanilang kabuuang gastos hanggang noong Mayo 27.

Pinakamalaking bahagi nito ay napunta sa accommodation ng mga repatriated OFWs na nagkakahalaga ng P606.9 million.

Pumalo naman sa P93.8 million ang ginastos ng OWWA para sa pagkain, P19.7 billion para sa miscellaneous, at P17.3 million naman para sa transportation ng mga repatriated OFWs.

Ayon kay Cacdac, P153.5 million sa kanilang kabuuang gastos ay nanggaling mula sa kanilang 2020 budget, at P583.4 million naman ang mula sa OWWA funds.