Para kay dating Health Sec. Janette Garin dapat ng ipasok sa crime laboratory ng National Bureau of Investigation (NBI) ang forensic laboratory ng Public Attorney’s Office (PAO).
Ito ang hiling ni Garin nang humarap sa Kamara ang mga opisyal ng Department of Justice para sa 2020 budget nito.
Kinuwestyon ng kongresista ang presensya ni Dr. Erwin Efre sa PAO dahil wala naman daw sa mandato ng ahensya ang pagkakaroon ng forensics team.
Iginiit din nito na kwestyonable ang mga nakaraang resulta ng forensic lab results ng PAO at tanging DOJ lang bilang head agency nito ang makakapag-bigay solusyon dito.
Ayon kay Garin nasasayang ang pera ng tax payers dahil hindi naman daw qualified experts ang bumubuo sa PAO forensic team.
Bilang tugon sinabi ni Compostela Valley Rep. Ruwel Peter Gonzaga na siyang sponsor ng budget para sa DOJ, na pag-aaralan nila ang hiling ng kapwa kongresista.