-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tinawag na immature ni Iloilo Rep. Janette Garin ang kapwa mambabatas na si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza matapos ang naging asal nito sa debate nila kahapon sa plenaryo ng Kamara.

Sa panayam ng Bombo Radyo iginiit ni Garin na walang basehan ang mga paratang ni Atienza laban sa mga programa sa bakuna ng Department of Health.

Sinabi kasi ni Atienza na ginagamit lang ng DOH ang vaccine programs para makapag-nakaw ng pondo sa publiko.

Kung maaalala, naging kontrobersyal sa nakalipas na taon ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia na ipinamahagi noong panahon ni Garin bilang Health secretary.

Una ng tinanggap ng former DOH official ang hamon ni Atienza na patunayan na mali ang mga paratang nito.

Handa raw kasi itong magbitiw sa pwesto kapag napatunayan ni Garin ang mga akusasyon.

Pero ayon sa Iloilo congresswoman, walang karapatan si Atienza na magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga vaccines na binibigay ng Department of Health dahil wala itong sapat na medikal na kalaaman.