-- Advertisements --

Pinuna ni dating Department of Health Secretary at ngayon ay Iloilo Representatvie Janette Garin ang Food and Drus Administration dahil sa tila pamumulitika nito sa paggamit ng Ivermectin sa mga pagamutan.

Sinabi nito na isang malaking kalokohan ang pagbibigay lamang ng FDA ng permiso na gamitin ang Ivermectin sa isang pagamutan at hindi ito maaring mabili sa publiko.

Malinaw aniya na isang political accomodation lamang ang ginawa ng FDA dahil sa pagbiibgay ng compassionate special permit (CSP) sa iisang pagamutan na gumamit ng veterinary drug para sa pagsugpo ng COVID-19.

Nauna ng iginiit ng FDA at DOH na hindi pa nila pinapayagan na gamitin ng publiko ang Ivermectin dahil ito ay para sa mga hayop lamang.