Nanindigan ang house prosecution na legal at may sapat na batayan ang pag-isyu ng subpoena ng Impeachment Court para makuha ang bank records, tax documents at iba pang financial records nina Vice President Sara Duterte at asawang si Manases Carpio.
Ayon kay Tolosa, karapatan ng kampo ng Duterte-Carpio na humiling ng judicial review o hamunin ang pagpapalabas ng mga dokumento, ngunit naniniwala ang prosekusyon na tama ang naging desisyon ng Impeachment Court.
Sinabi ni Tolosa na malinaw umano sa batas at sa mga naunang desisyon ng korte na maaaring humingi ng ganitong mga dokumento ang impeachment court bilang bahagi ng paglilitis.
Dagdag ni Tolosa, kung haharapin sa legal na proseso ang subpoena, handa ang House prosecution na ipaliwanag at ipagtanggol ang kanilang posisyon.
Aniya, bahagi ito ng proseso upang mailatag ang mga ebidensya at matukoy ang katotohanan at pananagutan sa impeachment trial.










