-- Advertisements --
image 1

Humina na bilang low pressure area (LPA) na lamang ang dating bagyong Gardo.

Ayon kay Pagasa weather specialist Raymond Ordinario, sumanib ang lakas nito sa kalapit na super typhoon Henry.

Dahil dito, bumalik naman ang lakas ng dominant weather disturbance (Henry) sa 195 kph at may pagbugsong 240 kph.

Namataan ito sa layong 430 km sa silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito nang patimog timog kanluran sa bilis na 25 kph.