-- Advertisements --

Malaki pa rin ang respeto ni American boxer Ryan Garcia matapos na talunin niya si Emmanuel Tagoe.

Sa laban na ginanap sa Alamodome sa Texas, USA, nakuha ni Garcia ang unanimous decision.

Ito ang unang laban ni Garcia matapos ang 15-buwan dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito ay mayroong malinis na record si Garcia na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts.