NAGA CITY- Patay ang isang garbage collector ng aksidenteng magulungan umano ito ng kanilang garbage truck sa Naga City.
Kinilala ang biktima na si Erwin Nuñez, 18-anyos residente ng Brgy. Cararayan Naga City.
Base sa imbestigasyon ng Naga City Police Office (NCPO) napag-alaman na habang pasakay na ang biktima sa nasabing truck ng madulas ito at mahulog kung saan aksidente naman itong nagulongan ng gulong ng truck sa parteng dibdib.
Agad naman umano itong dinala sa Bicol Medical Center ngunit idineklara na itong Dead on Arrival ng mga doctor.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo Naga kay Eng. Joel Martin, Head ng Solid Waste Management Office -Naga City sinabi nito na tatlong buwan palamang umano ang biktima sa kanyang trabaho.
Ayon dito ngayong araw sana ay ang kaarawan ng nasabing biktima ngunit hinde na nito nagawang makapag celebrate kasama ng kanyang pamilya dahil sa nakakalungkot na sinapit nito.
Samantala nagpaabot naman ng pakikiramay si Martin sa naiwang pamilya ng biktima.