Ipinagmalaki ni Chief Implementer of the National Task Force COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr. na mahigit 25,000 suspected cases na ng virus ang naka-isolate na para hindi na lalo pang kumalat ang sakit.
Batay sa datos na inilatag nito kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, nasa 25,430 katao na mula sa National Capital Region (NCR), Region 3 at 4A ang nasa isolation facilities.
Ayon sa kalihim, kung hindi raw kaagad sila kumilos para ma-isolate ang mga ito ay posibleng triple pa ang madadagdag sa kabuuang bilang ng coronavirus cases sa bansa.
Karamihan aniya sa mga naka-isolate ngayon ay mga indibidwal na nakatira sa masisikip na lugar na nahihirapan mag-home quarantine.
Nadagdagan pa umano ang mga alkalde na nagpapatupad din ng “no home quarantine policy” sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 cases sa kani-kanilang nasasakupan.