-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni National Task Force (NTF) COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr. na 3.2 milyong Pilipino na ang sumailalim sa coronavirus testing.

Katumbas ito ng 3.9 percent ng populasyon sa bansa. Ang average testing aniya ng Pilipinas ay kasalukuyang nasa 36,000 kada araw.

Sa ngayon ay mayroon ng 130 accredited COVID-19 testing laboratories at halos 90 laboratoryo pa ang naghihintay ng kanilang accreditation.

Umabot na rin ng 25,879 ang contact tracing teams na binubuo ng 229,086 contact tracers.

AV VC National Task Force (NTF) COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez

Nilinaw naman ni Galvez na 1 is to 37 ang ideal contact tracing ratio ngunit target nila na gawin itong 1 is to 20 sa buwan ng Oktubre.

Inaasahan naman na halos 1,000 COVID-19 dedicated beds ang maidadagdag sa Nobyembre. Nirentahan na rin ng gobyerno ang 30 hotels sa NCR, Region 3 at 4A.