-- Advertisements --

Itinanggi ni Atty Larry Gadon na ang kaniyang pagkakatalaga bilang Presidential Adviser on Poverty Allevivation ay hindi matatawag na political accomodation.

Iginiit nito na mayroon siyang kakayahan at kapasidad para sa nasabing posisyon.

Masasabi aniya na ito ay political accomodation kung sa kabuuan ay wala itong kaalam-alam sa mga ginagawa niya.

Pagtitiyak niya na malaki ang maitutulong niya sa gobyerno para tuluyang malabanan ang kahirapan.