Kinundena ng grupong Gabriela ang pamamaril kay atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa probinsya ng Abra nitong nakalipas na araw.
Sinabi ng grupo na si Atty Alzate ay isang pro-people na abogado, at ang pagpatay sa kanya ay nagpapakita sa tuloy-tuloy na pag-atake sa judicial system ng bansa, na siya sanang magsisilbing venue upang matugunan ang mga pang-aabuso sa lipunan, lalo na ang mga human rights violations.
Kung ang mga pro-people lawyer na katulad ni Atty Alzate ay pinapatay ng walang napaparusahan, lalo lamang anilang nagiging mailap ang hustisya para sa mga Pilipino.
Tinukoy naman ng grupo ang datos mula sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) kung saan si Atty Alzate na ang pangatlong abogado na pinatay sa ilalim ng marcos Administration.
Sa datus pa rin ng NUPL, mayroon nang 66 na abogado na pinatay sa buong bansa, simula 2016 hanggang 2021. Sampu sa mga ito ay mga babae.
Tinukoy naman ng grupo ang umano’y lalo pang pagtaas ng mga insidente ng pag-atake sa mga kababaihang human rights defender sa bansa.
Si Atty Maria Sanita Liwliwa Gonzales Alzate ay naging abogado noong 2002. Nagsisilbi siyang abogado ng ilang mga mahihirap na residente sa Cordillera kung saan marami dito ay mga pro bono cases o walang bayad.