-- Advertisements --
Tiniyak ng Games and Amusement Board na matutugunan na ang mga kinakaharap na hamon ng mga atleta ng bansa.
Sinabi ni GAB chairperson Richard Clarin na sa kasunduan nila ng Department of Labor and Employment na magbibigay ng tulong na trabaho at employment assistance para sa mga professional at retired athletes.
Sa nasabing memorandum of understanding ng GAB at DOLE ay matitiyak ang proteksyon ng mga nasa sports industry.
Nakasaad pa sa nasabing kasunduan ang pagbibigay ng livelihood programs sa mga professional athletes.
Magiging prioridad din sa kasunduan ang mga reitrado, injured o mga sumasailalim ng mandatory rest period.