-- Advertisements --
Nabigay ng katiyakan ang mga lider ng G7 group ng mga mayayamang bansa na patuloy ang kanilang pagbibigay suporta sa Ukraine matapos ang ginawang malawakang missile strike ng Russia.
Sa ginawang virtual emergency meeting sinabi nila na hindi sila titigil ng pagbibigay ng military at humanitarian aid sa Ukraine.
Bukod kasi sa G7 ay nagbigay din ng katiyakan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na kanilang susuportahan ang Ukraine laban sa Russia.
Magugunitang nasa 19 katao ang nasawi sa missile strike ng Russia sa maraming lugar sa Ukraine kabilang na ang central Kyiv.
Itinuturig naman ni Russian President Vladimir Putin ang atake bilang pagganti sa ginawang pagpapasabog ng Ukraine sa tulay na nag-uugnay sa Russia at Crimea.