-- Advertisements --

Nanawagan ang mga foreign ministers ng G7 group of nations sa Russia na dapat agad nilang ipasakamay sa Ukraine ang control ng Zaporizhzhia nuclear power plant.

Ayon sa nasabing grupo na inilalagay nila sa panganib ang buong rehiyon dahil sa ginawa ng Russia.

Napapalibutan na kasi ng mga puwersa ng Russian military ang lugar kung saan ginawa nila umano na nila itong military base.

Doon aniya isinasagawa ng Russia ang pag-atake dahil sa alam nilang hindi gaganti ang Ukraine bunsod ng takot na maaaring idulot sakaling matamaan ang nuclear power plant.

Unang sinabi ni Petro Kotin agn nuclear power operator na kahit na mayroong mahigit 500 sundalo ng Russia ang nakapalibot sa lugar ay nananatiling ligtas pa rin ang plana.