Ibinulgar ni Top Rank promoter Bob Arum na may mga investors din na handang gawin ang 3rd fight nina WBC champion Tyson Fury at Deontay Wilder sa Macau, China.

Ayon kay Arum posibleng mangyari raw ang trilogy ng dalawang mahigpit na magkaribal na heavyweight boxers sa buwan ng Nobyembre o Disyembre.

Kung maalala noon pang buwan ng July hanggang naging Oktubre niluluto ang isa na namang big fight pero hindi matuloy tuloy dahil sa pandemic.

Una na ring pinalutang ang maaari ring maging venue sa most anticipated fight sa Las Vegas at maging sa Australia.