-- Advertisements --

Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.

Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.

Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na kapwa British boxer na labis na ito ng nabugbog sa loob ng ika-10 rounds.

Dominado ni Fury ang laban kung saan desididong makaharap si Oleksandr Usyk.

Matapos ang laban ay inamin ni Fury na sumakit ang kaniyang kamay at kailangan din na sumailalim sa operasyon ang kaniyang kanang siko na aabot ng hanggang walong linggo bago gumaling.