-- Advertisements --

Hinamon ni Reigning WBC world heavyweight champion Tyson Fury si dating UFC heavyweight champion Francis Ngannou sa isang boxing match.

Kasunod ito sa pag-alis na ng 36-anyos na si Ngannou sa UFC dahil sa kumplikasyon sa kaniyang kontrata.

Mayroong record ang mixed martial artist na 17 panalo at tatlong talo.

Habang si Fury ay mayroong 33 panalo walang talo at isang draw na mayroong 24 knockouts.

-- Advertisement --

Huling laban ni Fury ay noong Disyembre ng talunin si Derek Chisora sa pamamagitan ng technical knockouts sa loob na 10 round.