-- Advertisements --

Matagumpay na nadipensahan ni RING at WBC world heavyweight champion Tyson Fury ang kanyang world title kasunod ng 11th-round KO stoppage kontra Deontay Wilder sa laban kanina sa T Mobile Arena sa Las Vegas Nevada.

Naging passive lamang si Fury unang dalawang minuto ng laban habang pinag-aaralan ang galaw ni Wilder.

Nagsimula siyang magpakawala ng mga suntok pagsapit ng second round.

Sinubukan ng Amerikanong boksingero na manatili sa kanyang disiplina hanggang sa pagsapit ng ikatlong round kung saan nakakuha siya nang pagkakataon at nagawang maipasok ang kanyang kanan.

Pero binuweltahan ito ni Fury dahilan para mapaluhod sa lona si Wilder.

Ginawa ni Fury ang kanyang makakaya sa round 4 pero ginagantihan naman ito ng malalakas na kanan ni Wilder dahilan para maging siya ay mapabagsak din sa lona.

Nasundan pa ito bago siya nakabawi sa susunod na round nang magawang maipasok ng malinis ang kanyang mga jabs at straight.

Naging mas mainit ang opensa ni Fury sa round six, hanggang nasundan pa sa round 7 nang medyo matumal na ang mga pinapakawalang suntok ni Wilder.

Itinaas ni Fury ang kanyang bilis sa mga susunod na round habang si Wilder naman ay halatang hirap na.

Sa huli, dahil hingal na rin si Wilder, bumagsak ito nang tamaan ng right hook ni Fury sa 1:10 mark ng round 11.

Sa ngayon, bitbit ni Fury ang kanyang 31-0-1 record, habang si Wilder naman ay uuwi na mayroong 42-2-1 record.