Pinagtibay ngayon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang resolusyong nag a-amyenda sa mga panuntunan ng pagpopondo sa mga lokal na pamahalaan na tinamaan ng kalamidad.
Ito ay para sa mas mabilis na access ng mga LGU sa NDRRM Fund para sa pagkumpuni, reconstruction, at rehabilitation ng mga imprastrakturang sinalanta ng mga kalamidad.
Kabilang ito sa mga tinalakay na usapin ng mga kinauukulan sa ginanap na emergency full council meeting na pinangunahan ni NDRRMC chair and Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Batay sa NDRRMC Memorandum Circular No. 1 series of 2024, inalis na ang income classification oara sa mas mabilis na paglalabas ng pondo sa mga LGU.
Kung maaalala, una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t-ibang ahensya ng Pamahalaan na bilisan pa ang pagkukumpuni sa mga napinsalang imprastraktura partikular na sa usapin ng reponse operations.