-- Advertisements --
edsa

Tinatarget ngayon ng pamunuan ng Metro Manila Council na ipatupad na ang full implementation ng single-ticketing system sa buong National Capital Region sa mga darating na linggo.

Ayon kay Metro Manila Council president at San Juan City Mayor Francis Zamora, ang planong ito ay hindi naman kakain masyado ng mahabang panahopn dahil nagsimula naman na aniyang ipatupad ito sa iba pang lungsod.

Kaugnay nito ay nakatakda rin aniyang magpulong ang iba pang miyembro ng Metro Manila council sa mga susunod na araw ang upang pag-usapan ang kanilang assessment sa ginanap na dry run ng single-ticketing system na nagsimulang umarangkada ngayong araw sa pitong mga lungsod sa Metro Manila, kabilang na ang Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan, Valenzuela, at San Juan.

Layunin nito na magtatag ng uniform policy sa traffic violations at penalty system sa buong Metro Manila.

Sakop nito ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.

Pagmumultahin ng Php500 hanggang Php5,000 ang sinumang mamataang lalabag sa mga guidelines itinatag dito sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023.