Tinaasan ng Kongreso ang alokasyong pondo para sa fuel subsidy para sa sektor ng pampublikong transportasyon sa P3 billion ayon kay Senate Committee on Finance chairman Senator Sonny Angara.
Ito ay tinaasan ng Kongeso ng P500 million.
Kung matatandaan na inisyal na sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na naglaan ito ng P2.5 billion para sa fuel subsidies para sa mga tsuper at operator ng PUVs sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa 2024.
Saad ng Senador na ang fuel subsidies na ibinigay sa sektor ng transportasyon ay isang mahalagang intervention ng pamahalaan upang matulungan ang mga tsuper at operator na makayanan ang tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang inilaang P3 billion para sa fuel subsidy sa susunod na taon ay inaasahang magbebenipisyo sa 1.36 million recipient.
Sa ilalim ng fuel subsidy program, nasa P10,000 ang ibinibigay sa bawat tsuper ng modernized PUVs, P6,500 para sa mga tsuper ng traditional 4-wheel PUVs , P1200 para sa delivery riders at P1,000 para sa mga tricycle drivers.