-- Advertisements --

Bahagyang nadagdagan pa ang fuel inventory ng bansa dahil sa nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na aabot pa sa 50.94 na araw pa ang kayang itatagal ng langis ng bansa.

Ang nasabing bilang ay mas mataas sa naunang iniulat ng ahensiya na mayroong 45 araw na natitira lamang.

Ang dagdag na fuel supply ay kasunod ng pahayag ni Executive Secretary Ralph Recto na mayroong nabili ang bansa ng isang milyong bareles o katumbas ng 165 milyon na litro ng diesel mula sa iba’t-ibang bansa.

Noong nakaraang linggo ay dumating na ang 22.6 milyon na litro mula sa Japan.

Inaasahan naman na darating pa ang ibang suplay sa pagpasok ng buwan ng Abril.

Tiwala si DOE Secretary Sharon Garin na ang kasalukuyang inventory levels ay kayang magbigay ng sapat na panahon habang hinihintay pa ang paparating na stocks.