-- Advertisements --
Screenshot 2020 05 27 13 29 07 11

Patay ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na frontliner nang maaksidente ang kanilang sinasakyang multipurpose van habang binabaybay ang kahabaan ng Star Tollway sa Ibaan, Batangas.

Dahil dito hindi na natuloy sa kanilang misyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga tauhan ng PCG na magsisilbi sanang augmentation sa kanilang tropa na umaalalay sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) mula sa ibang bansa.

Dead-on-arrival sa Batangas Healthcare Specialists Medical Center si Apprentice Seaman Cenen Epetito.

Nagtamo naman ng minor hematoma at nanatili sa intensive medical supervision si Apprentice Seaman Adrian Añonuevo.

Sa ngayon, nasa maayos nang kundisyon ang iba pang sakay ng naaksidenteng van.

Lumalabas na galing sa Sta. Clara Batangas ang tropa ng PCG at patungo sanang NAIA nang mangyari ang aksidente.

Tiniyak naman ng PCG na ipagkakaloob sa naulilang pamilya ni Appretice Epetito ang kaukulang tulong gayundin ang kinakailangang medical treatment sa mga nakaligtas nilang kasamahan.