Tiniyak ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na mga Police frontliner na nagmamando ng mga Quarantine Control Points (QCPs) ang susunod na bibigyan ng booster shot ng Covid-19 vaccine.
Ngayong araw kasi sinimulan ng PNP ang pagbibigay ng booster shot sa mga medical frontliner sa Camp Crame.
Inaasahang 666 medical frontliners ng PNP Health Service ang unang batch na matuturukan ng booster shot mula sa 111 vial na katumbas ng 666 dose ng Pfizer vaccine na natanggap ng PNP mula sa DOH noong nakaraang linggo.
Ayon ito kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support To Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Joselito Vera Cruz.
Ayon kay Vera Cruz prayoridad nilang maturukan sa ngayon ang 1,300 Health personnel na walong buwan na ang nakalipas mula nang matanggap nila ang kanilang second dose.
Samantala, sinabi ni Carlos na kasabay ng pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga frontliners, tuloy tuloy din ang pagbabakuna sa mga dependents ng PNP Personnel.