-- Advertisements --

Ibinunyag ng actor na si James Michael Tyler na ito ay nakikipaglaban sa advanced prostate cancer sa loob ng tatlong taon.

Sinabi nito na noong 56-anyos pa lamang siya ay nasa stage four na ang cancer nito.

Kumalat na hanggang sa buong buto at spine na nagresulta sa pag-paralyze ng kaniyang lower body.

Kasalukuyan ay sumasailalim ito sa chemotheraphy at patuloy itong lumalaban sa cancer.

Nakilala ang actor sa pagganap bilang Gunther sa US TV drama na “Friends”.